Monday, April 10, 2006

Pirena na Hospital...

Kinunan na noong Sabado ng gabi ang mga huling eksena ng Encantadia na nakatakdang matapos sa April 23. Umabot din ng isang taon sa telebisyon ang nangungunang fantasy series kaya nalungkot ang buong stars, staff at crew dahil walang katiyakan kung magkakasama-sama pa sila uli.

Napagod nang husto sina Diana Zubiri, Sunshine Dizon, Iza Calzado at Karylle dahil inabot ng maghapon at magdamag ang taping nila noong Biyernes at Sabado. Ang matagal na pagkakabitin nila sa harness ang naging dahilan ng pananakit ng balakang ni Sunshine kaya dinala siya sa doktor.

May malungkot na mangyayari dahil dalawa sa mga bida ang mamamatay sa pagtatapos ng kuwento ng Encantadia.

SOURCE: Article by Jojo Gabinete of Abante

2 Comments:

Blogger Aishi said...

Hwaaat??? sinong dalawang bida ang matitigok? Alam ko si Ybrahim matitigok - teka bida ba siya?? Waaah sinong matitigok sino??? @-)

Monday, April 10, 2006 7:31:00 PM  
Anonymous Iwa_fan said...

Oo nga oh noh..... nasesnse ko na si Ybrahim at Arman ang mamamatay kasi bida naman si Arman eh nademonyo lang siya nila Avria di bah...lungkot naman

Monday, April 10, 2006 8:12:00 PM  

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home